
Mula sa Simpleng Mom
Hanggang sa 1.7M Subscribers
Hindi ako nagsimula bilang malakas ang loob o confident. Nagsimula ako bilang isang simpleng mom na nagluto at nag-video sa maliit na kusina — hoping na kahit isang tao lang ang matulungan ko.
Noong 2016, nag-experiment ako ng Pastillas Crinkles. Hindi ko inakala na ang simpleng experiment na 'yun ay magiging best-selling product na nakapagbigay ng extra income sa libo-libong resellers nationwide.
Dahil sa tiwala ninyo, lumago ang aming online family. At ngayon, ibinabahagi ko ang lahat ng natutunan ko — para makatulong sa mas maraming Pilipino na magsimula ng kanilang sariling food business.
